Your support is UNXIGNED's lifeblood. Please consider donating or try our high-quality yet affordable Online Mixing and Mastering services.
Sobrang inclusive ng UNXIGNED magtatagalog at bisaya na kami. Ano, goods ba? Mic test 1, 2, 3...

Hindi naman siguro para kay Unique ang bagong kanta ni Zild na "Lia", taliwas sa pakiwari o katuwaan ng ilan na it hints at his former IV of Spades bandmate kasi nga "Lia" = "Lea" as in Lea "Salonga" (*kroo kroo*) na apilyedo ni Unique. Malamang patawa lang 'yon.

Noong Hunyo lang ay naglabas ng acoustic demo ng "Lia" si Zild, ilang araw matapos niyang ilapag ang "Segurista". Sa singles pa lang na 'to tiyak nang isang malupit na treat ang fourth album ng "Kyusi" singer na pinamagatang Superpower. Napaka-straightforward ng verses na inemploy at napaka-nostalgic ng instrumentation mula sa gitara hanggang sa overall na tunog, kaya naman ang infectious ng epekto tuloy.

Sa studio version ng "Lia", tila hawak-hawak ka na ni Zild sa simula pa lang, habang nagliliwaliw sa paborito niyong pasyalan. "Dahil nga / Sa pagbabanda / Nakilala ka / Salamat nga sa musika / Natagpuan kita bigla," awit nito, habang mabilis na nagbi-build up ang '90s-infused musical bedrock. Ten seconds in at tuluyan ka nang maho-hook sa purely alt-rock vibe na hatid ng kanta. Tuloy-tuloy na 'to. Sobrang ginalingan ang pag-incorporate ng influences, enough for the song to linger.

Ang simple ng temang ginawang inspirasyon ni Zild. Walang metapora. It's as though he's saying, "Para sa 'yo 'to, Lia. Makinig ka." In his own words, "It narrates the real stories while avoiding being too flowery." Kung sa "Segurista" halata ang paghuhunos-dili, sa "Lia" parang Zild wants to open up and bring down his walls. "Ikaw ang hinihintay ko / Handang magpakatotoo / Binubuksan ang pinto," paglalahad pa niya sa chorus.

See also  Resemblance nina Ryan Peralta at Bamboo, napansin ng netizens

Parang may touch ng Rico Blanco meets Radiohead ang bawat palo, na mas naging specially contemporary with Zild's very own magic. Posibleng nag-sound trip ng The Bends ang 27-year-old artist kamakailan habang naghahanap ng prompt for the upcoming material. Pero wika niya, ang "Lia" in particular ay naisulat niya pagkatapos manood ng isang palabas sa Netflix. "I wanted to write a song similar to those classics, one that is easy to listen to."

Sino pang hinihintay mo? Magpakatotoo ka na at i-stream ang bagong Zild. Watch the official music video below.

This article features "Lia", a song by Zild, released on July 10, 2024 via Island Records Philippines.

Leave a reply

UNXIGNED Philippines

Highlighting the finest of underrated Filipino music.

Grow with us!

Region