Yes naman, kayang kaya mong mag-isa. Huwag mo nang isipin 'yong nang-iwan sa 'yo. Ipakita mong strong at independent ka, kahit 'ka mong nasanay kang nadiyan siya. Patunayan mong "who you?" na siya ngayon. Ito ang mensahe ng Luna and Apollo sa kanta nilang "Kaya Ko Pala" na kakalabas lang noong Hunyo.
"Kaya ko pala / Oh-oh… / Kaya ko palang mag-isa," saad ng persona sa opening line. Emosyonal, may halong lungkot, parang sapilitan, pero biglang gumaan lahat nang magbagsakan ang full band para sa intro. "Gusto ko sana / Ikaw ang kasama / 'Yong tipong wala na ngang iba," pagnanais pa nito, na mabilis ding napalitan ng reyalisasyon: "Imposible / 'Di na nga pwede / Dahil wala ka na pala."
Parang sumasabay sa mixed feelings ng kanta 'yong progression nito. Sa refrain, kung gaanong nakapanghihinayang 'yong verse ay gano'n din ang tugtog. "Haharapin kong mag-isa / Kahit nasanay na nandiyan ka." Pero lahat ng 'to wala ng kwenta sa chorus, "Dahil kaya ko pala."
Sa huli nilang single na "Ba't Ba?", manifest doon ang dismay e na hindi ka trip ng gusto mo. Pero sa "Kaya Ko Pala" parang "kbye + like emoji" 'yong timpla. Parang, all of a sudden you realized life didn't stop there, at ayos lang palang wala siya sa tabi mo. Lakas makapagpalakas ng loob ng Makati sixtet dito. Dedicated sa mga nasanay may kasama saka iniwan lang naman ang kanta. Kung wasak puso mo ngayon, pakinggan mo 'to at ma-inspire kang muli sa buhay kahit mag-isa mo muna itong tatahakin. Malay mo bukas masasabi mo na ring, "Kaya ko pala."
Stream niyo 'yong kanta below.



