fbpx
Help UNXIGNED become 100% ad-free! Please consider donating or try our high-quality yet affordable Online Mixing and Mastering services.

Sampung taon na ang bandang Zoko Milk (stylized as Zokomilk or ZOKOMILK), at bilang tanda ng napakahalagang milestone, ipagdidiriwang ito ng grupo sa reHub Ecoland Drive sa Davao City ngayong araw, Disyembre 15.

Pawang mgagaling at kilalang local reggae at folk acts ang tampok sa event na dadaluhan nila Popong Landero, Tatot, Jason In Town, The Farmers, at Bagani.

Sa isang Facebook post, nagpaalala ang Zoko Milk sa mga hindi dapat dalhin sa lugar na pagtutugtugan para sa seguridad at kaligtasan ng lahat.

Ang Zoko Milk ay isang sikat na banda na nakapagtanghal na sa iba't ibang sulok ng Mindanao, kung saan napaka-influential ang reggae genre.

Bagamat isang linggo pa lang ang nakaraan mula nang nasawi ang Bacolod reggae artist na si Kokoi Baldo, tila isa na ring pagbibigay pugay sa kapwa musikero ang gaganaping 10th year anniversary concert ng Zoko Milk.

Ang event ay pinangungunahan ng HomeGrown Tiny Studio at LYBK.

See also  Violet Aurora share new single "Rain's Pouring Down"

Leave a Reply

UNXIGNED Philippines

Highlighting the finest of underrated Filipino music.

Grow with us!

Region