fbpx
Help UNXIGNED become 100% ad-free! Please consider donating or try our high-quality yet affordable Online Mixing and Mastering services.

Samo't sari ang naging reaksyon ng mga tagapakinig sa biglaang pagkawala ng kantang "Selos" ng binansagang Queen of Bangsamoro Pop na si Shaira Moro sa Spotify ilang araw matapos itong mamayagpag sa playlist na Viral 50 – Philippines. Ang kanta, na inilabas Nobyembre ng nakaraang taon, ay wala na rin sa iba pang mga streaming platform gaya ng Apple Music at Deezer.

Matatandaang hango ang nasabing "parody song" sa kantang "Trouble Is a Friend" ng Australian singer na si Lenka Kripac, o mas kilala sa mononym na Lenka. Bagama't credited naman ito sa official music video ng AHS Productions na siyang publisher ni Shaira, kapansin-pansin na hindi kasama sa songwriter credits ng "Selos" ang orihinal na composers na sina Kripac at Thomas "Tawgs" Salter.

Credits section ng kantang "Selos" sa Spotify

Sa kasalukuyan, lagpas nine million views na ang music video ng "Selos" sa YouTube at nasa higit-kumulang one million likes na ito sa Spotify nang ma-ban. Sa sobrang viral din ng kanta, halos daan-daang libo ang views ng mga TikTok video kung saan featured ito.

Mabilis na kumalat sa social media ang screenshot ng 'di umano'y isang komento sa post ni Lenka mula sa Instagram user na may handle na "france.onz" kung saan sumagot ang mang-aawit at kinumpirmang gumawa na ang kampo niya ng hakbang ukol sa naturang paggamit ng melodiya at ritmo ng kaniyang 2009 hit song.

Screenshot galing sa isang Facebook post. Hindi na mahanap ang komentong ito at deactivated din ang profile ng nasabing IG user.

Hati naman ang opinyon ng mga netizen sa sinapit ng trending song.

May mga nainis sa umano'y "crab mentality" ng mga Pilipino. Para sa kanila, pagsuporta at hindi panghihila pababa ang dapat ginagawa ng mga Pinoy kay Shaira para mas lalo pang umusbong ang karera nito. Sa ibang panig naman, hindi raw nila masisisi si Lenka kung hiniling man nitong tanggalin ang "Selos" dahil hindi raw sapat ang credits sa description lang kasi may karapatan ang pop star na kumita sa parody ng rising singer na si Shaira na hango sa "Trouble Is a Friend".

See also  Zoko Milk babanat sa kanilang 10th year anniversary concert

Si Lenka ay kilalang singer-songwriter at aktres na nagpasikat ng mga kantang "The Show", "Everything at Once", at "Trouble Is a Friend". Ang bagong singer na si Shaira naman ay nakilala sa mga kantang catchy at patok sa masang Pinoy gaya ng "Forever Single (Walang Jowa)" at "Selos".

Sa ngayon, available pa ang music video ng "Selos" sa YouTube.

https://www.youtube.com/watch?v=duZzbWjtYmY

Leave a Reply

UNXIGNED Philippines

Highlighting the finest of underrated Filipino music.

Grow with us!

Region