fbpx
Help UNXIGNED become 100% ad-free! Please consider donating or try our high-quality yet affordable Online Mixing and Mastering services.

Medyo magkamukha nga ba?

Viral sa Facebook ngayon ang post ng Gamer Project Clothing page na tila pinapahiwatig ang pagkakahawig ng musikerong si Ryan Peralta sa former Rivermaya vocalist na si Bamboo MaΓ±alac. Paano ba naman kasi, hindi maipagkakailang may similaridad nga ang dalawa. Self-explanatory, kumbaga.

May caption itong "Si Bamboo nung wala pang agimat ang dugo niya." Ikinatuwa ng Pinoy netizens ang kapansin-pansing resemblance. Umabot nang libo-libo ang mga komento sa larawan at pawang witty Rivermaya at Bamboo puns ang laman ng mga ito:

Witty Rivermaya at Bamboo puns sa comments na inani ng post

May mga user namang nilinaw na si Ryan Peralta ang nasa larawan at pinuri ang respetadong drummer:

Pagpuri ng ibang netizens kay Ryan na naging drummer ng Rivermaya noon

Orihinal na bokalista ng OPM band na Rivermaya si Bamboo na umalis noong 1998. Naging drummer naman si Ryan ng banda noong 2011 hanggang 2018. Sa kasalukuyan, siya ay lead facilitator ng pinundar niyang drumming events organization na DrumStart.

Nakatakdang sumalang muli sa entablado ang original Rivermaya lineup nina Bamboo, Rico Blanco, Mark Escueta, at Nathan Azarcon sa February 17, 2024. Gaganapin ang concert sa SMDC Festival Grounds. Reserve your seats via SM Tickets.

Leave a Reply

UNXIGNED Philippines

Highlighting the finest of underrated Filipino music.

Grow with us!

Region