fbpx
Help UNXIGNED become 100% ad-free! Please consider donating or try our high-quality yet affordable Online Mixing and Mastering services.

Kagimbal-gimbal ang sinapit ng The Voice Philippines season 2 grand finalist na si Kokoi Baldo matapos itong magulungan ng truck sa kahabaan ng Circumferential Road, Barangay Mandalagan, Bacolod City, nito lamang Byernes, December 8. Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kaniyang asawa ang pagkasawi ng singer.

Ayon sa isang SunStar news report, pa-overtake na sana si Baldo sa truck na minamaneho ng isang Benny Flor nang madulas ang Juan Gapang frontman sa kanang bahagi ng kalsada, dahilan para tumilapon ito papunta sa direksyon ng rumaragasang truck. Batay naman sa ulat ni Major Armilyn Vargas ng Police Station 3, hindi umano suot ng 44-anyos na reggae artist ang kaniyang dalang helmet habang nagmamaneho. Kasalukuyang nasa kustodiya ng istasyon ang nakasagasang driver.

Samantala, inanunsyo na sa kaniyang page ang schedule ng public viewings para sa mga kaibigan at tagahanga ng namayapang musikero.

Leave a Reply

UNXIGNED Philippines

Highlighting the finest of underrated Filipino music.

Grow with us!

Region